Manila, Philippines – Ibibigay ang best performance sa pagtupad ng kanilang trabaho.
Ito ang naging pahayag ng pamunuan ng Philippine National Police matapos ang pag apruba ng kongreso at ni Pangulong Rodrigo Duterte sa resolusyong pagdodoble ng sweldo ng mga miyembro at opisyal ng PNP.
Sinabi ni PNP Spokesperson Police Chief Supt Dionardo Carlos, na ang pagtataas ng sweldo ng mga pulis maging ng mga sundalo ay pagpapakita lamang na hindi binabalewala ng pamahalaan ang pagsasakripisyo ng mga pulis sa pagtupad ng kanilang tungkulin para sa bayan.
Sa panig na ng Armed Forces of the Philippine, sinabi ni AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo na tumaas man o hindi ang sweldo ng mga sundalo mananatili ang mga sundalong tuparin ang kanilang sinumpaang tungkulin para sa bayan.
Magkagayunpaman nagpapasalamat ang AFP sa pangulo dahil sa pagkilala sa sakripisyo ng mga sundalo na nagbubuwis ng kanilang buhay para sa bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng dagdag sweldo.
Sa ilalim ng joint resolution, na epektibo January 1, ang entry-level uniformed officer ng PNP, Bureau of fire, BJMP AFP at Seaman third class ay makakatanggap na ng base pay na P29,668 ngayong taong ito mula sa dating P14,834.
Ang AFP Chief of Staff at PNP Chief ay makakatangap na ng 121, 143 kasa buwan ngaying taon at 149, 785 kada buwan sa susunod na taon mula sa kanilang base pay na 67,500.