Manila, Philippines – Inaasahan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagtaas ng bilang ng mga maga-apply para mapabilang sa kanilang hanay.
Ito ay dahil sa inaprobahang taas sweldo ng mga sundalo at pulis ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pero ayon kay AFP Spokesperson Colonel Edgard Arevalo, bago makapasok sa kanilang hanay ay kailangang pumasa sa qualifications ang sinumang applicants.
Ngayon taon magre-recruit ang AFP ng 5500 sundalo sa buong bansa.
Batay sa joint resolution 1, P29, 668 ang sasahurin ng isang private mula sa dating 14, 834 pesos.
Una nang nag-recruit ang AFP ng sampung libong pwersa na ngayon patuloy na sumasa-ilalim sa training.
Facebook Comments