TAAS SWELDO | PNP, inaasahan na ang pagdami ng mga nais maging pulis

Manila, Philippines – Inaasahan na ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang pagdami pa ng mga gustong mapabilang sa hanay ng PNP.

Ito ay dahil sa pagtataas ng sweldo ng mga pulis, epektibo January 1, 2018.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Superintendent Dionardo Carlos, ngayong taon nakatakda pa sila mag-recruit ng dalawampu’t isang libong Police Officer 1.


Ang 21,000 na ito ay kabilang sa 97,000 na PO1 na authorize nilang irecruit.

Sa ngayon, ayon kay Carlos, mayroon ng pitumpu’t anim na libong Police Officer 1 ang PNP na makakatangap ng doble sahod epektibo ngayong January 1, 2018.

Sa kabuuan, mayroong 180 PNP Personnel ang Pambansang Pulisya na lahat ay makakatanggap ng dagdag sweldo.

Payo naman ni Carlos sa kanyang mga kabaro, suklian ng taumbayan sa pamamagitan ng pagseserbisyo o pagtatrabaho ng maayos.

Facebook Comments