Tab Baldwin, posibleng pagmultahin at masuspendi ng PBA

74

Posibleng pagmultahin, at suspendihin ng Philippine Basketball Association si Samahang Basketbol ng Pilipinas Program Director Tab Baldwin.

Ito ay matapos sabihin ni Baldwin, na nagsisilbi rin bilang consultant ng grupong Talk ‘n Text ka-tropa, na hindi dapat magkaroon ni-isang import na naglalaro para sa kahit anong team ang PBA kung saan nabibigyan ang mga ito ng advantage.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, “uncalled for” ang mga komento ni Baldwin lalo na sa panahon na sinusubukan ng liga bumangon sa epekto ng COVID-19 pandemic.


Iginiit ni Marcial na sana ay kinausap muna siya ni Baldwin o ang head coach nito na si Bong Ravena, o sa Chairman ng Talk ‘n Text na si Ricky Vargas.

Itinanggi naman ni Marcial ang alegasyon na hindi patas ang pag-officiate ng mga referees sa laro pagdating sa imports.

Matatandaan na sinabi ni Baldwin sa coaches unfiltered show na maituturing na major flaw sa basketball landscape ng Pilipinas ang pagkakaroon ng tatlong conferences kung saan dalawa nito ay single-import conference.



Facebook Comments