Tablet o learning gadget sa bawat estudyante, inihain sa Kamara

Inihain ng isang kongresista ang panukala na layong bigyan ang bawat estudyante sa pampublikong paaralan ng sariling tablet na gagamitin sa kanilang pag-aaral.

Sa House Bill 10405 o One Tablet, One Student Act of 2021 na inihain ni Deputy Speaker Loren Legarda, ang kada estudyante sa public elementary, secondary at State Universities and Colleges (SUCs) ay bibigyan ng tablet.

Ang mga mag-aaral naman na mayroon ng sariling learning gadget ay bibigyan naman ng educational assistance sa pamamagitan ng internet allowance.


Naniniwala ang Antique solon na malaki ang maitutulong nito sa mga estudyante upang maka-adapt sa blended o online learning lalo’t hindi pa tiyak kung kailan matatapos ang COVID-19 pandemic.

Katunayan sa kanila mismong distrito, mula kinder hanggang senior high school ay aabot sa 30,194 na estudyante ang walang device para sa online learning.

Mangangailangan naman ng P154 billion na dagdag pondo para sa Department of Education (DepEd) upang maipatupad ito.

Facebook Comments