Tablon ng Narra, Nasabat sa Checkpoint!

48

Cauayan City, Isabela- Tinatayang nasa 13 piraso ng tablon ng Narra ang nasabat ng mga otoridad sa isinagawang checkpoint sa San Juan, Sta Praxedes, Cagayan.

Hindi nakaligtas sa checkpoint ng PNP Sta Praxedes ang isang Van na may plakang ULT 429 na minamaneho ni Harold Supnet, 30 anyos, may-asawa, residente ng Brgy. Annayatan, Baggao, Cagayan kasama ang kanyang pahinante na si Renato Martin, 46 anyos, may-asawa at residente naman ng Barangay Tungel, Baggao, Cagayan.


Nang hingan ng kaukulang dokumento ang mga suspek ay walang maipakita na nagresulta sa kanilang pagkakahuli.

Nakumpiska sa mga ito ang iba’t-ibang laki ng tablon ng Narra na tinatayang nasa 584 board feet.

Ang mga suspek at nasabat na Narra ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments