TABUK CITY, HANDA NA PARA SA PUBLIC ATTORNEYS CONFERENCE; CRIMINOLOGY WEEK SA KALINGA, INANUNSYO

CAUAYAN CITY – Pinatunayan ng Tabuk City ang kahandaan nito para sa malalaking regional events sa pagsasagawa ng Cordillera Administrative Region Public Attorneys Conference sa lungsod ngayong Disyembre.

Ang dalawang araw na pagtitipon ng Public Attorney’s Office (PAO) ay dadaluhan ng 76 na abogado at 31 na support staff na magsasama-sama para sa mga talakayan at networking.

Ayon kay Kalinga PAO District Chief Attorney Francis Calsiyao, kasabay din ng conference ang pagdiriwang ng Criminology Profession Week mula November 3-9, alinsunod sa Proclamation No. 397.


Hinikayat naman ni Calsiyao pangulo rin ng Professional Criminologist Association of the Philippines (PCAP) Kalinga Chapter, ang mga paaralan ng criminology sa Kalinga na makilahok sa nasabing selebrasyon.

Ang mga hakbang na ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng Kalinga sa pagsusulong ng kultura, seguridad, at propesyonalismo, na naglalayong gawing mas kaakit-akit ang probinsya bilang destinasyon para sa mga mahalagang kaganapang rehiyonal.

Facebook Comments