Cauayan City, Isabela- Isasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa loob ng labing-apat (14) araw ang Tabuk City dahil sa patuloy na pagtaas ng tinatamaan ng COVID-19.
Ito ay makaraang ipatupad ni Governor Ferdinand Tubban ang nasabing quarantine status ng lungsod na magsisimula sa Enero 25.
Ayon kay Mayor Darwin Estrañero, magbibigay ang lokal na pamahalaan ng quarantine pass na isa sa bawat pamilya upang maging limitado lang ang galaw ng mga ito habang umiiral ang ECQ.
Aniya, gagamitin ang calamity fund ng LGU upang tugunan naman ang mga pangangailangan ng mga residente sa loob ng 14 na araw.
Sinabi pa ng opisyal na hihintayin pa rin ang ilalabas na panuntunan ng Provincial Inter-agency task force against COVID-19 para sa pagsasapubliko ng mga ipagbabawal gaya nalang sa usapin ng transportasyon maging sa mga negosyo.
Samantala, isinailalim naman sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang mga bayan ng Rizal, Lubuagan, Tanudan at Balbalan.
Ang natitirang bayan naman ng Pasil at Tinglayan ay isinailalim sa General Community Quarantine habang Modified General Community Quarantine ang bayan ng Pinukpuk.
Sa ngayon, mayroon ng 185 na aktibong kaso ng COVID-19 ang lungsod habang tatlo na ang naitatalang binawian ng buhay.
Tabuk City, Isasailalim sa Enhanced Community Quarantine
Facebook Comments