Tactical Inspection ng mga Guwardiya ng SM City Cauayan, Pinangunahan ni RD Casimiro!

133

Cauayan City, Isabela- Pinangunahan ngayong araw ni Brigadier General Angelito Casimiro, PNP Regional Director ng Lambak ng Cagayan ang isinagawang Tactical inspection sa mga security personnel ng SM City Cauayan.

Sa inisyal na impormasyong nakalap ng 98.5 iFM Cauayan, pasado alas 6:00 ngayong umaga nang dumating sa mall si RD Casimiro kasama si Police Lieutenant Colonel Chevalier Iringan, Regional Information Officer ng PRO2.


Ito ay sa inisyatibo mismo ng naturang mall na imbitahan si RD Casimiro bilang panauhing pandangal at upang pangunahan ang troop inspection.

Layon nito na makita at matiyak ang kahandaan ng SM City Cauayan at mga stakeholders sakaling magkaroon ng hindi inasahaang sakuna.

Dagdag dito, nakaalerto pa rin ang PNP Cauayan sa naturang aktibidad.

Samantala, nakatakda rin mag-courtesy call si RD Casimiro kay City Mayor Bernard Dy pagkatapos ng inspeksyon.




Facebook Comments