Tactical Operations Group 2, Nakiisa sa 73rd Founding Anniversary ng Phil.Airforce

18

Cauayan City, Isabela-Idinaraos ngayon ng Tactical Operations Group 2 ang 73 rd Founding Anniversary ng Philippine Air Force kahit bakas sa kanilang mukha ang lungkot dahil sa pagkasawi ng apat (4) na sundalo na napatay ng mga pulis sa Jolo, Sulu.

Bilang tugon sa kakulangan ng suplay ng dugo, nagsagawa ng Bloodletting Activity ang hanay ng kasundaluhan katuwang ang Philippine Red Cross.


Inaasahan na higit sa 100 ang malilikom na bags ng dugo na siyang magagamit sakaling kailanganin ito ng publiko lalo pa’t isa sa pangunahing kailangan ito ng mga may malulubhang karamdaman.

Samantala, nakikiisa rin ngayon ang pwersa ng TOG2-PAF sa pagkamatay mga sundalo kaya’t nakahalf-mass ang bandila ng pilipinas bilang pakikidalamhati sa kanilang pagpanaw.

Facebook Comments