MANILA – Ilabas na inyong mga payong, bota at mga jacket dahil opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng rainy season o tag-ulan sa bansa.Sa interview ng RMN kay Dir. Anthony Lucero, Chief ng Climate Monitoring and Prediction Section ng Pagasa, sinabi nitong nagpasya ang weather bureau na ideklara ang rainy season dahil sa malawak na pag-ulan sa bansa.Kasabay nito, Nagbabala naman si Dr. Esperanza Cayanan, Head ng Pagasa Weather Division – na mas maraming bagyo ang papasok sa Philippine Area of Responsibilty (PAR) sa huling bahagi ng 2016 dahil sa La Niña.Inaasahan namang pito hanggang labing pitong bagyo ang papasok sa loob ng P-A-R mula buwan ng Mayo hanggang sa Oktobre.Nilinaw rin ng Pagasa na patuloy pa ring mararanasan ang epekpo ng El Niño phenomenon hanggang sa huling bahagi ng Hulyo.
Tag-Ulan, Opisyal Nang Idineklara Ng Pag-Asa… Labingpitong Bagyo, Inaasahang Papasok Sa Philippine Area Of Responsibili
Facebook Comments