Opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng tag-ulan sa bansa.
Ayon sa PAGASA, ang pagdaan ng Bagyong Dante at madalas na pag-uulan na kanilang na-monitor sa nakalipas na limang araw ay kinukumpirmang nagsimula na ang rainy season.
Asahan din ang madalas na mga pag-ulan kasabay ng pag-iral ng Southwest Monsoon o Hanging Habagat mula Hulyo hanggang Setyembre.
Ang mga pag-uulang dala ng Habagat ay mararanasan sa Metro Manila at kanlurang bahagi ng bansa.
Sa kabila nito, magkakaroon ng monsoon breaks na nagtatagal ng ilang araw o linggo.
Facebook Comments