Posibleng pumasok ang panahon ng tag-ulan sa ikalawa o ikatlong linggo ng hunyo.
Pero ayon sa PAGASA, posibleng maramdaman pa rin ang epekto ng El Niño hanggang sa katapusan ng taon.
Dahil sa pag-iral ng El Niño, posibleng mabawasan ang mga pag-ulan sa bansa.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Gener Quitlong, maaaring konti lang ang pumasok na bagyo sa bansa pero magiging malakas ang mga ito.
Unti-unti na ring nararamdaman ngayon ang southwest monsoon o hanging habagat kaya nagiging madalas ang thunderstorm at mabilis ang pamumuo ng kaulapan.
Facebook Comments