Nagpapatuloy ang operasyon ng Inter-Agency Council on Traffic o IACT laban sa mga pangpublikong sasakyan na hindi sumusunod sa safety health protocol at sobra-sobra magsakay ng pasahero.
Kabilang sa nasita sa Mindanao Ave., ang city at provincial bus na biyaheng Pampanga-Cubao at SM North Fairview.
Nakasagutan naman ng taga-IACT ang isang konduktor dahil magka-iba ang paniniwala nila sa COVID-19.
Sa ngayon, hindi pa pinal kung gaano na kadami ang nahuli ngayong umaga kung saan pagmumultahin sila ng hindi bababa sa 2,000.
Pinag-aaralan at iaapela naman sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na masuspinde ang mga lalabag sa 50% passenger capacity dahil tila paulit-ulit lang na may lumalabag sa safety health protocol sa pampublikong sasakyan.