Tagal ng pagboto kada botante sa 2022 elections, posibleng abutin ng 30 hanggang 40 minuto

Naniniwala ang Commission on Elections (Comelec) na maaaring abutin ng 30-40 minuto ang pagboto ng kada botante sa darating na 2022 local at national elections.

Mas matagal ito kumpara sa 5 hanggang 10 minutong pagitan kada botante bago maranasan ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, bunsod ito ng paglilimita sa tao maaaring payagan sa loob mga polling precincts kaya babagal ang proseso ng pagboto.


Inaasahang maglalabas ang Comelec ng rekomendasyon patungkol sa mga isyu na nakita sa naganap na voting simulation sa San Juan Elementary School sa lungsod ng San Juan.

Facebook Comments