Tagapagsalita ng PNP, no comment sa patutsada ni Senator Leila De Lima

Hindi na nagkomento pa si PNP spokesperson Sr. Supt. Dionardo Carlos sa naging pahayag ni Senator Leila De Lima laban sa Phiippinel National Police kaugnay sa dami ng napatay dahil sa operasyon kontra iligal na droga.

 

Batay sa  isinapublikong  liham ni De Lima, isa sa tinukoy nito ang tagapagsalita ng PNP na huwag insultuhin ang kanyang intelligence at huwag gawing tanga ang mga Pilipino at ang buong mundo.

 

Sa isang interview kasi, sinabi ni Carlos na hinihiling niyang maglabas ng katibayan o ebidensya ang Human Rights Watch para mapatunayang na ang mga pulis umano ang siyang pumapatay sa mga biktima ng vigilante killings at nagtatanim pa ng ebidensya para palabasing shootout ang pagpatay sa mga drug suspects.

 

Sa huling bahagi pa ng liham ng senadora, binalaan nito ang lahat ng mga opisyal nang gobyerno na umano’y sangkot sa pagpatay na darating ang panahon at mapapanagot ang mga ito.

 

Si Senator De Lima ay nakakulong ngayon sa PNP Custodial Center sa Camp Crame dahil sa mga kasong may kinalaman sa New Bilibid New Prison Drug Trade.

Facebook Comments