‘Tagas sa kisame’ sa isang tanggapan ng PhilHealth, resulta ng telang nakabara sa alulod

Courtesy: via pinglacson.net

Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na walang nasirang records ng ahensya mula sa sinasabing ‘roof leak’ sa isa sa kanilang tanggapan.

Ayon kay PhilHealth Region 1 Vice President Alberto Manduriao, walang naapektuhang servers at network equipment mula sa pangyayari.

Paglilinaw ni Manduriao, ang naunang naibalita na nabasang computers at printers ay mula sa Benefit Administration Section at naaksyunan na ito ng kanilang mga IT personnel.


Dagdag pa ni Manduriao, electronic filing ang mga claims at secured ang kanilang mga data sa Central Office.

Samantala, lumabas sa inisyal report ng Department of Justice (DOJ) na mayroong tela na bumara sa alulod kaya nagresulta ng pagtagas sa kisame ng opisina.

Hindi pa masabi kung sinandya ito.

Facebook Comments