Tagaytay radar, binisita ng CAAP kaugnay ng maintenance work

51
Manila, Philippines – Nagsagawa ng ocular inspection a ng mga opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Tagaytay en-route radar sa Brgy. Neogan, Tagaytay City 

Kaugnay ito ng maintenance work at upgrade na ginagawa sa Tagaytay radar. 

Kapag tuluyan nang naging operational ang naturang radar , ito ay may kakayahan nang makapag-monitor ng 80 percent ng Manila Flight Information Region na itinakda sa Pilipinas ng International Civil Aviation Organization.

Una nang kinansela ang pitong daang domestic flights para sa linggong ito, dahil sa Tagaytay maintenance work.

Facebook Comments