*Ilagan City, Isabela- *Pormal nang nagsimula ang tagisan ng mga manlalaro mula sa iab’t-ibang bansa para sa 14th Southeast Asian Youth Games sa City of Ilagan Sports Complex.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Ginoong Paul Bacungan, Information Officer ng City of Ilagan, unang sinimulan kahapon ang opening ng naturang event sa pamamagitan ng Fireworks Display at live na pagkanta ng singer na si Arnel Pineda.
Natapos na anya ngayong araw, March 2, 2019 ang High Jump, Javelin throw, Discus throw, Hurdles, Long jump at 100 meter dash na susundan ng iba pang laro ngayong hapon.
Samantala, sa March 6, 2019 hanggang March 8, 2019 ay gaganapin naman ang National Open na lalahukan din ng mga foreign athletes bukod pa sa mga piling atleta sa Pilipinas.
Sa March 8, 2019 hanggang March 11, 2019 ay nakatakdang isagawa ang apat na palaro sa Sports Complex gaya ng Boksing, Gymnastic, Athletic at Special event para sa mga PWD.
Tinatayang nasa higit isang libong manlalaro ang lumahok sa magkakasunod na palaro dito sa Lambak ng Cagayan.