Manila, Philippines – Idaraos ngayon ng Department of Education (DepEd) katuwang ang Metrobank ang isang math challenge sa ilang elementary students.
Magtatagisan ng galing sa pagresulba ng complex mathematical problems ang ilang estudyante sa pamamagitan lamang ng ballpen at papel na walang calculator.
Ang math challenge ay para sa grade 6 at grade 10 students na may kategoryang individual at team competition.
Ang mga magwawagi ay makatatanggap ng trophies, medals, at cash prizes.
At dahil katuwang ng DepEd ang Metrobank, parte ng mapapanalunan ng mga winners ay ilalaan sa Metrobank Fun Savers Club para mahikayat ang mga kabataan na mag-impok.
Mismong si DepEd Secretary Leonor Briones ang magbibigay ng medalya sa mananalo sa nasabing kumpetisyon mamayang hapon.
Ang nasabing annual math challenge ay nakapag-produce na ng mga mahuhusay na estudyante na inilalaban sa iba’t-ibang international math competitions.
Kabilang dito ay sina Farrell Eldrian Wu at Kyle Patrick Dulay na nagwagi ng gintong medalya sa 57th International Mathematical Olympiad na ginanap sa Hong Kong.