Iminungkahi ng isang mambabatas sa La Union ang panunumbalik ng mga inter-collegiate o inter-high school competitions tulad ng Tatak LU Tagisan ng Talino ng mga Kabataan,na magpapalakas ng kakayahan ng mga nakababata.
Sa ginanap na regular session ng Sangguniang Panlalawigan, ginawang halimbawa ang korapsyon ng mga sangkot sa flood control projects dahil sa posibleng umano’y kakulangan ng mga programa na humuhubog sa kanilang pagkatuto at kaugalian.
Sa tulong ng mga ganitong patimpalak, makakatulong umanong mapataas ang morale ng mga Kabataan na magpursige sa pag-aaral.
Pasado na sa unang pagbasa ang naturang panukala at isinumite na upang talakayin ng Committee on Youth and Sports Development. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









