Tagong kulungan, nadiskubre ng CHR sa Manila Police District Station 1

  Manila, Philippines – Isang sikretong kulungan ang nadiskubre ng Commissionon Human Rights (CHR)
  Sa kanilang surprise inspection sa Manila Police District station1 sa Tondo, Maynila.
 
Ayon sa CHR, nakatanggap sila ng tip na mayroon mga indibidwal naikinukulong sa isang tagong kulungan at ipinapatubos sa kanilang mga kaanak sahalagang P40,000 hanggang P200,000.
 
Habang nag-iinspeksyon, nakarinig ng katok mula sa isang kabinetsa loob ng istasyon ang mga taga-CHR.
 
Nang igalaw ang nasabing cabinet, tumambad ang isang tagongpintuan, kung saan nakita ang nasa 11 indibidwal na nakakulong.
 
Sinabi naman ng mga nakakulong, mahigit isang linggo na silangnandoon pero hindi pa sumasailalim sa inquest proceedings at hindi rin silanakalista sa police blotter.
 
Bukod rito, nakakaranas rin anila sila ng pambubugbog sa”secret jail.”
 
Paliwanag ng mga pulis, siksikan na sa kulungan at doon muna nilaikinukulong pansamantala ang kanilang mga nahuhuli habang hindi pa na-iinquest.
 
Itinanggi rin ni Supt. Robert Domingo, hepe ng MPD station 1, angalegasyon ng pagpapatubos at pambubugbog sa mga nakakulong.
 
Depensa pa ni Domingo, isa lang ang kanilang computer kayanagkaroon ng pagbagal sa proseso ng mga nahuling suspek.
   

Facebook Comments