TAGONG YAMAN | Arrest warrant laban kay dating COMELEC Chairman Andres Bautista, posibleng bawiin

Manila, Philippines – Posibleng bawiin ng Senado ang arrest warrant laban
kay dating Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista.

Matatandaang inilabas ang kautusan dahil sa hindi pagsipot ni Bautista sa
mga pagdinig ng Senado hinggil sa mga umano ay tagong yaman.

Paliwanag ni Senator Francis Escudero, kung nasa bansa si Bautista at hindi
ito dumalo sa mga pagdinig ay maari siyang arestuhin.


Pero dahil wala aniya ito sa Pilipinas, hindi magiging epektibo ang arrest
warrant.

Nilinaw din ni Escudero na hindi inimbitahan si Bautista bilang akusado
kundi maging resource person.

Gayumpaman, tiniyak ng senador na masasampahan ng kasong kriminal si
Bautista dahil sa mga kahina-hinalang deposito nito sa isang pribadong
bangko.
<#m_2373790020317234800_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments