Manila, Philippines – Sa Lunes, March 26, ay nakatakdang isumite sa Senado
ng kampo ni dating Commission on Elections o COMELEC Chairman Andres
Bautista.
Ang sinumpaang salaysay nito, ito ang inihayag ng abogado ni Bautista na si
Atty. Anacleto Diaz sa isinagawang pagdinig ngayon ng senate committee on
banks, financial institutions and currencies.
Umaasa si Committee Chairman Senator Chiz Escudero na lalamanin ng
affidavit ni Bautista ang sagot nito sa isiniwalat ng kaniyang misis na si
Patricia na mayroon siyang tagong-yaman.
Ayon kay Escudero, sa oras na makumpleto na ng kampo ni Bautista ang sworn
affidavit nito ay irerekomenda niya ang pagbawi sa arrest order na inilabas
ng Senado.
Ang magiging rekomendasyon ni Escudero ay pagpapasyahan ng mga miyembro ng
komite at kailangan ding aprubahan ni Senate President Koko Pimentel.
Si Bautista ay pinapaaresto makaraan itong ma-contempt dahil sa paulit-ulit
na pag-indyan sa pagdinig ng Senado.