Taguig-BGC-Ortigas link road project, solusyon para mas mapabilis ang biyahe sa mga nasabing lugar

Manila, Philippines – Magiging labindalawang minuto na lamang ang biyahe mula sa central business district ng Taguig, Pasig, Mandaluyong at Makati City kapag nakumpleto na sa taong 2020 ang “Taguig-BGC-Ortigas link road project.”

1.6 billion pesos ang budget ng pamahalaan para rito.

Ang Ortigas Center Link Road Project ay lalagyan ng apat na lane na tulay na siyang magdudugtong sa Lawton Avenue sa Makati at Sta. Monica Bridge Street sa Pasig.


Magkakaroon din ng viaduct structure na tatagos sa Lawton Avenue hanggang sa bungad ng Bonifacio Global City.

Ayon kay DPWH Project Director Engr. Virgilio Castello, malaki ang maibabawas nito sa volume ng sasakyan sa EDSA at C5 road na gumagamit ng Guadalupe at Bagong Ilog Bridge.

Kaninang umaga – pinangunahan ni DPWH Secretary Mark Villar ang seremonya sa paglalagak ng kapsula ng plano.

Facebook Comments