Tiniyak ng Taguig City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU) na tuloy-tuloy ang kanilang pagbabantay sa mga active cases ng COVID-19 sa lungsod.
Ayon sa pamunuan ng Taguig CEDSU, ito ay para masiguro mapigilan ang paglaganap ng virus sa kanilang lungsod.
Sa ngayon, ang lungsod ng Taguig ay mayroong 177 na kabuuang ng bilang na active cases ng COVID-19.
Nakapagtala rin karagdagang na 233 new recoveries, dahilan para tumaas ang kabuuang nito sa 17,758 o katumbas ng 98% recovery rate.
Nananatili naman sa 185 ang kabuuang bilang ngayon ng mga nasawi sa lungsod na dulot ng virus o may 1.02% Case Fatality Rate (CFR) ang lungsod.
Ngayon araw, nasa 18,120 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod matapos naman madagdagan ito 225 kagabi.