Siguradong lagot ang mga lalabag sa minimum health and safety protocols laban sa COVID-19 dahil kasado na ang mga parusang ipapataw ng Taguig City Government.
Multang P1,000 o apat na oras na community service ang parusa para sa hindi magsusuot ng face mask, hindi susunod sa social distancing, magsasagawa ng mass gathering at magpapakalat kalat na labag sa quarantine rules.
Pagmumultahin naman ng P3,000 at 12 oras o tatlong araw na community service ang kakaharapin ng sinuman na mabibigomg ipagbigay-alam sa kinauukulan ang pagkakaroon ng COVID-19 o iba pang sakit o kaganapan na delikado sa publiko.
Papatawan naman ng P5,000 multa at 20 oras o 5 araw na community service ang sinuman na gagawa ng diskriminasyin sa health workers, frontliners, OFWs, at sa mga pianghihnalaan o kumpirmadong may COVID-19.
Ganito rin ang ipapataw sa negosyo na magbabalik ng operasyon kahit hindi otorisado at mabigigong magpatupad ng health protocols and safety measures.
Posibleng ding mapatawan ng P5,000 multa o anim na buwang pagkakakulong ang sinuman na mapapatunayang korte na lumabag sa New Normal Ordinance ng Taguig City.