Taguig City Government at DA, pumirma ng MOA para sa Agri-Industrial Hub

Lumagda ang Taguig City Government at Department of Agriculture (DA) ng isang Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagtataguyod ng ABC Taguig Agri-Industrial Hub for Freshwater Aquaculture Urban Farming.

Ang MOA ay pinirmahan nina Secretary William Dar, Laguna Lake Development Authority General Manager Jaime Medina, at Taguig City Mayor Lino Cayetano.

Kasama sa mga aktibidad ang isang groundbreaking ceremony at paglalagay ng time capsule para sa proyekto.


Tampok ang kahalagahan ng proyekto lalo na para sa food security ng Taguig City habang nagsisimulang bumangon ang bansa mula sa COVID-19 pandemic.

Naniniwala ang Taguig City Government na ang pagsulong ng lungsod mula sa isang maliit na bayan patungo sa isang progresibong “probinsyudad” ay malaking kapakinabangan sa mga mamayan ng lungsod.

Ang naturang proyekto ay maglalaman ng 80 floating cages, fishport na may cold storage facility, at fish market kung saan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay maglalagay ng isang “fishyalan”, isang lugar para makita ng mga turista na ang mga bagong teknolohiya ng pangisdaan.

Ang mga floating cage ay inilaan upang matugunan ang mga pangangailangan ng 1,000 mangingisda.

Ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Taguig ay maglalagay ng ilang mga access road patungo sa pasilidad at magbibigay rin ng mga component para sa fish market.

Facebook Comments