Inihayag ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Taguig na naghahanda sila ng transport service na handang bumiyahe at tumugon sa transportasyon para sa mga may sakit sa lungsod.
Ayon kay Mayor Lino Cayetano, batid nila ang paghihirap ng mga pasyenteng kailangan pumunta ng ospital na walang transportasyon dahil pansamantalang pagtigil ng pag-biyahe ng mga pampublikong sasakyan bunsod ng COVID-19.
Aniya, magbebepisyo nito ang mga pasyenteng nagda-dialysis, may chemotherapy or radiotherapy sessions, mga senior citizen, buntis at PWDs na kailangang sumailalim sa check-up at iba pang nangangailangan ng medical treatment.
Para maka-avail sa serbisyong ito, maaaring mag-text sa numerong 0961-734-0834 dalawang araw bago ang takdang mga checkup o medical sessions.
Pwede ring tumawag sa mga COVID-19 concerns at emergencies, tulad ng City COVID-19 hotline sa 8-789-3200 o sa 0966-419-4510 at mag-text o tumawag sa Taguig Rescue sa 0917-550-3727.