Nagpaalala ang Taguig City Government sa mga residente na manatiling disiplinado para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Una nang nagbabala si Mayor Lino Cayetano sa posibleng pagpapatupad ng lockdown at quarantine restrictions sa lungsod sa lalong madaling panahon.
Sa harap ito ng maraming report ng mga paglabag sa health at safety protocols.
Iginiit ng alkalde na sa kanilang lungsod ay mahigpit naman nilang naipapatupad ang protocols subalit sa ilang business establishments sa Metro Manila ay mayroong mga mamamayan ang hindi maingat.
Tinukoy rin ng alkalde ang mga nagaganap na social gatherings, malaking party ng magpapamilya, overcapacity sa mga restaurant at mga bar na palihim na nag-o-operate
Ikinalugod naman ng Taguig City Governement ang pananatili ng kanilang lungsod na may pinakamababang kaso ng COVID-19 sa buong Metro Manila.