Taguig City, may 17 panibagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ng 17 na panibagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Taguig.

Batay sa tala ng City Health Department, ang mga bagong pasyente na tinamaan ng virus ay mula sa Hagonoy, Ibayo Tipas, Katuparan, Ligid Tipas, Lower Bicutan, North Signal, Pinagsama, Sta. Ana at Western Bicutan.

Sa kabuuan, umabot na sa 521 ang bilang ng COVID-19 confirmed cases sa nasabing lungsod.


Mula sa nasabing bilang, 21 rito ay mga nasawi at 120 naman sa kanila ang mga gumaling na sa sakit na dulot ng virus.

Simula naman noong January 27 hanggang kahapon, June 13, 2020, meron nang 3,751 na kabuuang bilang ng mga suspected COVID-19 cases ang Taguig.

Pagtitiyak naman ng Taguig City Government na patuloy na umiikot ang Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT) katuwang ang Taguig City Containment Team para ma-monitor at ma-contain ang mga COVID-19 cases sa lungsod.

Bukod dito, hinikayat din Mayor Lino Cayetano ang mga residente na manatili sa loob ng bahay at sumunod sa mga health guidelines kung nasa labas ng tahanan upang maging ligtas laban sa banta ng virus.

Aniya, maaaring tumawag sa kanilang Taguig COVID-19 hotline sa 8-789-3200 o sa 0966-419-4510.

Facebook Comments