Taguig City, may 23 bagong kaso ng COVID-19

Umabot sa dalawampu’t tatlo (23) ang bagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Taguig.

Ito ay batay sa tala ng health department ng lungsod, pasado alas 9:00 kagabi.

Ang mga bagong pasyente ng COVID-19 sa lungsod ay nagmula sa Barangay Bagumbayan, Calzada, Central Bicutan, Central Signal, Ibayo-Tipas, Lower Bicutan, Maharlika, Sta. Ana, Tanyag, Tuktukan, Ususan at Wawa.


Kaya naman umakyat na sa 544 ang kabuuang bilang ng confirmed cases sa Taguig City.

Mula sa nasabing bilang, 21 na ang nasawi at 120 naman ang recoveries.

Umabot naman sa 3,751 ang suspected cases sa lungsod simula noong January 27, 2020 hanggang kagabi.

Payo naman ng Taguig City Government sa mga residente nito na manatili sa loob ng bahay upang maging ligtas laban sa banta ng COVID-19.

Facebook Comments