Pumalo na sa 116 ang bilang ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa Lungsod ng Taguig.
Ito’y matapos maitala ang apat na pinakabagong pasyente na infected ng virus.
Batay sa tala ng City Health Office o CHO ng Taguig, ang mga bagong pasyente ay mula sa Western Bicutan, Lower Bicutan, Upper Bicutan at Ususan.
Tiniyak naman ng Taguig City government na mapoprotektahan ang komunidad at mga residente nito laban sa banta ng COVID-19.
Inihayag naman ng pamunuan ng CHO ng nasabing lungsod na patuloy na nagiikot ang mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT) katuwang ang Taguig City Containment Team para ma-monitor at ma-contain ang mga kaso sa lungsod.
Kasama na rin dito ang 213 na Persons Under Monitoring (PUMs) at Persons Under Investigation (PUIs) na umabot na sa 156.