Taguig City, may 84 na bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala muli ang lungsod ng Taguig ng 84 na bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 nitong huling 24 oras.

Ang mga bagong kaso ng COVID-19 ay mula sa Brgy. Ususan (13), Pinagsama (10), Katuparan (9), at South Daang Hari (8).

Habang ang Brgy. North Daang Hari (7), tig-lima sa Fort Bonifacio at Tanyag, at tig-apat sa Brgy. Lower Bicutan, Sta Ana at North Signal.


May tig-tatlo sa Brgy. Calzada, Central Bicutan at Western Bicutan, tig-dalawa sa Palingon at Central Signal, at tig-isang kaso ng COVID-19 naman sa Brgy. Ibayo at Upper Bicutan.

Dahil dito, umakyat na sa 4,318 ang kabuuang bilang ng confirmed cases sa lungsod.

Mula sa nasabing bilang, 43 sa kanila ay nasawi habang ang 3,707 naman ay bilang ng recoveries.

Kaya nasa 568 naman ang active COVID-19 cases sa lungsod.

Facebook Comments