Umabot na sa 3,481 ang kabuuang bilang ng kumpirmandong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Taguig ngayong umaga.
Matapos itong madagdagan ng 163 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24 oras.
Batay sa tala ng City Epidemiology Disease and Surveillance Unit, ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod ay mula sa Fort Bonifacio na mayroong 29; Pinagsama, 26; at Western Bicutan, 24.
May 12 bagong kaso ng COVID-19 sa Barangay Sta. Ana at Brgy. Ususan; walo sa Tanyag; walo sa Tuktukan; at anim sa Central Signal.
San Miguel, North Signal at Upper Bicutan na may tig-limang bagong kaso.
Barangay Lower Bicutan at Central Bicutan ay may tig-apat; tig-tatlo sa Batangay Bambang, Calzada-Tipas at Ligid-Tipas; at dalawa sa Brgy. Bagumbayan.
Ang Barangay New Lower Bicutan, Katuparan, Maharlika, North Daang Hari at Timog Signal ay may tig-isang bagong kaso ng COVID-19.
Nasa 39 na ang nasawi habang 2,962 naman ang bilang ng recoveries sa naturang lungsod.