Nakapagtala ang Taguig City kagabi ng apat na bagong confirmed cases ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19.
Ang mag bagong kaso ay mula sa Barangay Bagumbayan, San Miguel, Ibayo at North Daang Hari.
Batay sa tala ng City health office, meron nang kabuuang bilang ng confirmed cases ang lungsod na 343.
Simula January 27, 2020 hanggang May 17, 2020, mayroon ng 1,444 na suspected COVID-19 cases, 21 deaths at 66 recoveries sa lungsod.
Ang Taguig City government ay patuloy na tinitiyak na mapoprotektahan ang komunidad at mga residente laban sa banta ng COVID-19.
Kamakailan inilunsad din nila ang Systematic Mass Approach to Responsible Testing (SMART) kung saan nakapaloob dito ang barangay-based testing at ang drive-thru tresting upang mas mapalawak ang testing capacity ng lungsod.