Taguig City, may bagong 5 kaso ng COVID-19

Kinumpirma ng Taguig City Health Office o CHO ang bagong limang confirmed cases ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa kanilang lungsod.

Batay sa tala ng CHO, pasado alas-8:00 kagabi, ang mga bagong pasyente ng COVID-19 mula sa Barangay Ususan, Fort Bonifacio, Western Bicutan at Lower Bicutan.

Sa kabuuan, umabot na sa 194 ang confirmed cases ng nasabing virus sa lungsod, kung saan 14 na ang nasawi at 24 naman ang mga gumaling na sa sakit na dulot ng virus.


1,105 na mga indibidwal naman ang nasa kanilang listahan na mga suspected cases sa ngayon.

Kaya naman pakiusap ng Taguig City government sa mga residente nito na manatili lamang sa loob ng kanilang bahay.

Hinihingi rin nito ang kooperasyon ng bawat isa para masubaybayan ang lahat ng kaso at mapigilan ang pagdami pa ng COVID-19 cases sa kanilang lungsod.

Facebook Comments