Tumaas naman ang bilang ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Lungsog ng Taguig.
Batay sa pinakabagong tala ng City Health Office ng lungsod, anim na naman na bagong kaso ng nasabing virus ang naidagdag sa kanailang listahan, kaya naman umabot na ng 186 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Taguig.
Ang bagong anim na risdente na positibo sa virus ay mula sa Fort Bonifacio at Maharlika.
Samantala, meron naman na 157 suspect COVID-19 cases, 13 deaths at 22 recoveries sa lungsod.
Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, patuloy sinisiguro ng kanyang pamahalaang lokal na mapoprotektahan ang kanilang komunidad at kanilang mga residente laban sa banta ng COVID-19.
Katuwang ang Taguig City Containment Team, patuloy na umiikot ang Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT) para ma-monitor at ma-contain ang mga COVID-19 cases sa lungsod.