Taguig City, may bagong 98 kumpirmadong kaso ng COVID-19

Muling nakapagtala ang lungsod ng Taguig ng 98 bagong kumpiramdong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa nakalipas na 24 oras.

Ang mga bagong kaso ay mula sa Brgys. Ususan (17), South Signal (16), New Lower Bicutan (11) at Upper Bicutan (10).

May mga bagong kaso rin sa Napindan (8), Hagonoy (7), Fort Bonifacio (6), at Lower Bicutan at Wawa (5).


Tatlo naman sa Western Bicutan, tig-dalawa naman sa Brgy. Ibayo, Central Signal at Pinagsama.

Habang tig-isa sa Brgy. Bagumbayan, Sta. Ana, Katuparan, North Signal at Tanyag.

Sa kabuuang bilang, nasa 5,567 na ang confirmed cases sa lungsod kung saan 4,982 ay nakarekober na habang ang 46 ay mga nasawi na dulot ng virus.

Facebook Comments