Nakapagtala naman ang lungsod ng Taguig kahapon ng dalawampu’t isang (21) bagong kaso na confirmed cases ng COVID-19.
Batay sa tala ng Health Department ng lungsod, ang mga bagong pasyente na tinamaan ng virus ay mula sa Bagumbayan, Bambang, Central Bicutan, Central Signal at Fort Bonifacio.
May bagong kaso ang Barangay Katuparan, Ligid Tipas, New Lower Bicutan, North Daang Hari at North Signal.
Kasama rin ang Barangay Pinagsama, South Signal, Sta. Ana, Tuktukan, Upper Bicutan at Western Bicutan.
Dahil dito, umakyat sa 606 ang kabuuang bilang ng confirmed cases ng COVID-19 sa Taguig City.
Mula sa nasabing bilang, 21 rito ang nasawi at 120 naman ang recoveries.
Simula January 27, 2020 hanggang kahapon, mayroon ng 3,751 na suspected cases sa lungsod.
Pakiusap naman ng Taguig City Government sa mga residente nito na huwag nang lumabas ng bahay kung walang importanteng lakad upang maging ligtas laban sa banta ng COVID-19.