Taguig City, may naitalang 23 bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala na naman ang lungsod ng Taguig ng bagong kaso ng COVID-19.

Batay sa tala ng local Health Department ng lungsod, pasado alas 9:00 kagabi, nasa dalawampu’t tatlo (23) ang mga bagong pasyente na infected ng virus.

Ito ay mula sa Lower Bicutan at Pinagsama.


Kaya naman muling umakyat sa 810 ang kabuuang bilang ng confirmed COVID-19 cases sa Taguig City.

Mula sa nasabing bilang, 21 ang nasawi at 142 naman ang mga gumaling na sa sakit na dulot ng virus.

Tiniyak naman ng Taguig City Government na patuloy umiikot ang Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT) katuwang ang Taguig City Containment Team para ma-monitor at ma-contain ang mga COVID-19 cases sa lungsod.

Facebook Comments