Nakapagtala ang lungsod ng Taguig ng 27 na bagong confirmed cases ng COVID-19.
Batay sa tala ng lokal na Health Department ng lungsod, ang mga bagong pasyente ng COVID-19 ay mula sa Bagumbayan, Central Signal, Fort Bonifacio, Lower Bicutan, North Daang Hari, Pinagsama, Palingon, Sta Ana, Ususan at Western Bicutan.
Dahil dito, muling tumaas ang kabuuang bilang ng confirmed cases sa Taguig City na umabot na ng 748.
Mula sa nasabing bilang, 21 sa kanila ang nasawi at 142 naman ang mga nakarekober sa sakit na dulot ng virus.
3,753 ang kabuuang bilang naman ng suspected cases mula noong January 27, 2020.
Pakiusap naman ng Taguig City Government sa mga residente nito, manatili lamang sa loob ng kanilang mga tahanan upang maging ligtas laban sa banta ng COVID-19.