Inihayag ni Mayor Lino Cayetano na ang lungsod ng Taguig ang may pinakamababang numero ng active cases ng COVID-19 sa buong National Capital Region (NCR).
Ayon sa alkalde, sa bawat 100,000 katao sa buong NCR, umabot na lamang sa 18 ang active cases sa lungsod.
Ito aniya ay batay sa tala ng Department of Health (DOH).
Aniya, ito na ang resulta ng kanilang ginagawang mga hakbang upang mapababa ang bilang ng nagakakasakit ng COVID-19 sa lungsod.
Kabilang na rito aniya ang pagsasagawa ng Systematic Mass Approach to Responsible Testing (SMART), kasama na rito ang drive-thru testing at testing na isinagawa mula sa Health Centers at City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU) kung saan aabot na ng 60,979 ang kanilang naite-test.
Sa kasalukuyan, ang lungsod ng Taguig ay meron ng 8,392 na kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19, kung saan 8,153 nito ay mga gumaling na sa sakit habang ang 60 naman ay mga nasawi na dulot ng virus.
Kaya naman ang active cases ngayon ng lungsod ay nasa 179 na lang.