Kinumpirma ng Taguig City Health Office (CHO) na mayroon silang limang bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19.
Batay sa kanilang tala, ang mga ito ay mula sa Western Bicutan, Ususan, Pinagsama at Hagonoy.
Sa ngayon ay umabot na ng100 kaso ng nasabing virus ang lungsod ng Taguig.
Nadagdagan din ng dalawa pa ang bilang ng mga nasawi kung saan nasa anim na ang binawian ng buhay sa mga pasyente ng COVID-19 ng lungsod.
Nasa 140 ang persons under investigation (PUIs) at 174 naman ang persons under monitoring (PUMs).
Kaya naman ang Taguig City government ay patuloy na sinisiguro na mapoprotektahan ang komunidad at mga residente laban sa banta ng COVID-19.
Facebook Comments