Taguig City, muling nakapagtala ng 108 na bagong kaso ng COVID-19

33

Nakapagtala ang lungsod ng Taguig ng 108 new Coronavirus cases nitong huling 24 oras.

Ang mga bagong kaso ay mula sa Barangays Upper Bicutan (36), Bagumbayan (12), at Lower Bicutan (10).

Mayroon ding walo sa mga Barangay ng Hagonoy, Ligid, at South Signal.

Kasama rin ang Tuktukan (5), North Daang Hari (4), at tig-tatlo sa San Miguel at Ususan.

Tig-dalawa sa Central Bicutan, Central Signal, at Western Bicutan habang tig-isa naman sa Calzada, New Lower Bicutan, Palingon, Fort Bonifacio, at Pinagsama.

Dahil dito, umabot na sa kabuuang bilang ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 6,071.

Pero 5,539 nito ay bilang ng recoveries at nananatili sa 53 ang bilang ng mga nasawi na dulot ng naturang sakit.




Facebook Comments