Taguig City, muling nakapagtala ng mahigit 100 kumpirmadaong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24 oras

Umabot na sa 3,756 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Taguig.

Matapos itong madagdagan ng 113 na bagong mga kaso sa nakalipas na 24 oras.

Ang mga bagong kaso ay mula sa Barangay Bagumbayan, Calzada-Tipas, Ibayo-Tipas, Lower Bicutan, Hagonoy, Ususan, Wawa, Central Bicutan, Central Signal, Katuparan, North Daang Hari, North Signal at Upper Bicutan.


Nadagdagan din ng 73 ang mga gumaling sa sakit na COVID-19, kaya naman, tumaas sa 3,041 ang recoveries sa lungsod habang nananatili sa 40 ang mga nasawi.

Nasa 675 naman ang active cases na patuloy pa rin na inoobserbahan.

Batay sa huling datos ng lungsod, mababa pa rin ang fatality rate na nasa 1.06% lamang ng kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Taguig.

Facebook Comments