Taguig City, nagpatupad na rin ng pinaikling oras ng curfew

Epektibo na mamayang gabi ang bagong oras ng curfew sa lungsod ng Taguig.

Batay sa City Ordinance No. 22, Series of 2020 na inaprubahan ni Mayor Lino Cayetano.

Magsisimula ang curfew hours ng alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga.


Pinapayuhan ng local government ng Taguig ang mga residente nito na sundin ang mga alituntunin alinsunod sa mga pagbabagong itinalaga sa lungsod upang mapanatili ang kaayusan sa lungsod at ang kaligtasan ng bawat resident ng Taguig City.

Layunin nito na bigyan daan ang magbubukas na mga business establishments at mga nagbabalik trabaho.

Unang nang nagpatupad ng curfew ang lungsod na simula alas 8:00 ng gabi hanggang alas 6:00 ng umaga nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Facebook Comments