Taguig City, nagsagawa ng kauna-unahang Pilot Cyber Graduation Ceremonies

Nagsagawa ang Taguig Local Government Unit (LGU) ng kauna-unahang Pilot Cyber-Graduation Ceremonies sa Sen. Renato Compañero Cayetano Memorial Science and Technology High School Pamayanang Diego Silang, Ususan, Taguig City.

Sa tulong ng mga robots na gawa mismo ng mga mag-aaral, naisagawa ang graduation ceremonies sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Umaabot sa 179 na mag-aaral sa high school ang nagtapos ngayong araw sa nabanggit na eskwelahan.


Aabot naman sa 17,000 na mag-aaral sa lahat ng paaralan sa Taguig City ang magtatapos ngayong School Year 2019 to 2020.

Bibigyan din ng cash incentives ng Taguig City Government ang mga mag-aaral na magtatapos na may parangal.

Facebook Comments