Taguig City, nanindigan na hindi kailangan ng “Writ of Execution” sa desisyon ng Supreme Court

Nanindigan ang Taguig City na hindi na kailangan ang Writ of Execution para mailipat ang sampung barangay sa kanilang lungsod mula Makati City.

Kasunod ito ng pahayag ng Office of the Court of Administrator (OCA) na kailangan pa ng Writ of Execution para maipatupad ang kautusan ng Supreme Court.

Giit ng Taguig LGU, walang legal na pwersa ang inilabas na opinyon ng OCA at hindi rin ito maaring gamiting batayan para iantala ang paglilipat ng mga barangay mula sa Makati patungo sa hurisdiksyon ng Taguig.


Aniya, ang pahayag din ng OCA ay hindi na bahagi ng routine administrative matter nito. Taliwas din anila ang opinyon ng OCA sa nature at desisyon na inilabas ng Korte Suprema na self-executing.

Dahil dito, pursigido ang Taguig na maghain ng legal remedy para igiit ang kanilang karapatan salig sa desisyon ng korte at ng itinatakda ng batas.

Matatandaang dalawang beses nang ibinasura ng SC ang apela ng Makati City na ikonsidera ang pinal na desisyon nito na naglilipat sa sampung barangay sa hurisdiksyon ng Taguig base na rin sa iprinisintang historical, documentary at testimonial evidences.

Facebook Comments