Taguig City PESO, sinimulan ang Abril ng isang malakihang job fair

Bigtime ang Taguig City Public Employment Service Office o PESO ngayong unang araw ng Abril, taong 2019 dahil sa pagbubukas ng kanilang tanggapan, isang malakihang job fair ang kanilang inilunsad dito sa Mercado Del Lago, isang lugar pasyalan dito sa Taguig na nasa kahabaan ng C-6, sa gilid ng Laguna Lake.

Dalawampu at dalawang mga employer ang maagang dumating dito sa lugar kasabay ng may isandaang mga aplikante.

Bago opisyal na buksan ang job fair, pinaalahanan ni Taguig City PESO Manager Dr. Norman Mirabella ang mga aplikante hinggil sa kanilang dapat na gawin upang magtagumpay sa kanilang pag-a-aplay. Isa-isa nitong tinalakay ang sampung pinakamahihirap na uri ng interview question na puwedeng itanong sa mga ito.


Kasunod nito ay isa-isang pinagsalita ni Mirabella ang mga employer upang i-anunsiyo nila ang mga posisyon na kailangan nilang punan.

Sa inisyal na report, umaabot sa isang-libo walong daang iba’t ibang mga trabaho ang kailangang punan kung kaya maraming pagkakataon ang mga ito na matanggap sa isa sa mga bakanteng trabahong ito.

Samantala, naglaan ng isang hiwalay na panahon si Mr. Mirabella para sa mga magtatapos ng pag-aaral ngayong taon.

Sa Abril a-9, sisikapin ng Taguig City PESO na mabigyan ng mapapasukang trabaho ang ani Mirabella, ay nasa tatlong libong mga mag-aaral na magtatapos ng grade 12 sa ilalim ng k-12 curiculum.

Facebook Comments